Tagalog – Umaga Na

Author: Diana R. Agbayani

Pakinggan
Ang alit-it
Ng kawayan
Ang alis-is
Ng talahib
Ang masayang awit
Ng batis.
 
Langhapin
Ang dalisay
Na hanging amihan…
 
Masdan
Ang silahis
Ng bukang-liwayway
Sa silangan.
 
Lumipas na
Ang magdamag
At ngayo’y umaga na
Para sa atin.

 

Source:
Panitikan.com.ph, http://panitikan.com.ph/

 

Photo of the Week

The spectacular presentation of the Disney-Themed Ayala Festival of Lights in Makati City

Visitors tour the Osmeña Room of the Kalayaan Hall in Malacañan Palace, Manila

Donate your article, news, poetry, photos or anything about the Philippines!
 

For Questions and Comments send us an email.
 

World Connections