Tagalog – Sukli Sa Kabayanihan

Author: Rafael A. Pulmano

Ulirang asawa at huwarang ama
Trabaho sa araw, sa gabi pahinga
Linggo, nasa bahay matapos magsimba
Kuntento sa buhay na simple, masaya, at walang problema.
 
Batang pinalaking yupyop ng magulang
Sagana sa bait kapos man sa yaman
Pag-aaral, laro, eskwela, tirahan
Ang ginagalawang tahimik na mundo ng kawalang-malay.
 
Nag-abroad si misis, malaki ang sweldo
Ang mahal sa buhay, bigla ang asenso
Ang dating huwaran, di na nagtrabaho
At pera'y winaldas sa pagpapasarap, araw-gabi, bisyo.
 
Sa sariling bahay, nang di na makita
Naglahong kalinga ng ama at ina
Anak, nakasumpong ng maling pag-asa
Sa kinasadlakang madilim na sulok ng barkada't droga.
 
Tahanang winasak ng bigong pangarap
Ang tanging napala ng taong nagsikap
Sukli sa Bayani ng gobyernong palpak
Na sa paglilingkod, pamumulitika ang inaatupag.

 

Source:
OFW - Ang Bagong Bayani, http://ofw-bagongbayani.com/

 

Photo of the Week

Crowd gathers to watch tree lighting ceremony in Fairview Ayala Terraces, Quezon City

Crowd gathers to watch tree lighting ceremony in Fairview Ayala Terraces, Quezon City

Donate your article, news, poetry, photos or anything about the Philippines!
 

For Questions and Comments send us an email.
 

World Connections