Tagalog – May Bituing Maningning Sa Madaling Araw

Author: Raul Funilas

Muling nagpakita Tala sa Umaga,
Upang iparamdam ang kanyang luminang
Lipos na nilimot sa bagong makina;
Ikaw ay manood ng Talang kay-ganda.
Napuyat ang gabing may bantay na kislap,
Gumising ang dagat sa kanyang liwanag;
Nanood ang kwagong mata ay madilat
Ang tagong kuweba'y dinagsa ng kabag.
Kislap niyang tudla'y maraming nahaling,
Isiping sa diwa ang kay-gandang bitwin;
Tumagos sa puso ang ibang tanawing
Aranya ng mundong lutang ang luningning.
Ang sabi ng pantas ito yaong Venus,
Na isang planetang lipos ang alindog;
Gandang himpapawid sa ati'y kaloob
Busilak ang kulay na lalang ng Diyos.
Isang pangitaing bihirang matanaw,
Tila nagbabadyang siya'y nalimutan;
Ulani't mapuyat lulubog lilitaw
Iglap na susulpot sa madaling araw.
Nawa'y makita ka nitong kabataan.

2007. Raul Funilas
Featured on: September 13, 2007  

 

Source:
Emanila poetry, http://emanilapoetry.com

 

Photo of the Week

Crowd gathers to watch tree lighting ceremony in Fairview Ayala Terraces, Quezon City

Crowd gathers to watch tree lighting ceremony in Fairview Ayala Terraces, Quezon City

Donate your article, news, poetry, photos or anything about the Philippines!
 

For Questions and Comments send us an email.
 

World Connections